KKDAT Provincial Summit, Isinagawa sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naisagawa ngayong araw, Marso 18, 2021 ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Provincial Summit na ginanap sa Community Center ng City Of Ilagan sa Lalawigan ng Isabela.

Ang KKDAT Summit ay may temang “Kabataan at Pulisya sa Isabela, Nagkakaisa Laban sa Ilegal na Droga at Terorismo” (Ikalawang yugto) at ito’y dinaluhan ni PBGen Crizaldo O Nieves, Regional Director ng PRO2 bilang panauhing pandangal.

Nilahukan din ito ng mga miyembro ng KKDAT mula sa dalawang lungsod at mga munisipalidad sa Probinsya ng Isabela.


Inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pagtatanghal para sa opisyal ng KKDAT sa probinsya at nanumpa rin ang mga bagong talagang opisyal na pinagtibay ni PBGen Nieves.

Itinampok sa naturang summit ang Canvass Painting Contest na kung saan ay nanguna sa patimpalak ang obra ng KKDAT member ng Lungsod ng Cauayan, pumangalawa naman ang obra ng Cabagan, Isabela at pumangatlo ang obra ng Gamu, Isabela.

Sa talumpati ni PBGen Crizaldo Nieves, RD PRO2, kanyang pinuri ang inisiyatibo ng Isabela Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol James M Cipriano, Provincial Director at sa lahat ng KKDAT member sa aktibong pakikilahok sa naturang programa.

Facebook Comments