Klase at pasok sa gobyerno, huwag suspendihin sa ikalawang araw ng transport strike -LTFRB

Manila, Philippines – Iminungkahi ng LTFRB sa Malacañang na huwag suspendihin ang klase sa mga paaralan at pasok ng gobyerno sa ikalawang araw ng nationwide transport strike bukas.

Bagamat sinabi ng PISTON na matagumpay ang unang araw ng kanilang tigil-pasada, para sa LTFRB, bigo ang grupo na maparalisa ang mga biyahe.

Ayon kay LTFRB board member at spokesperson atty. Aileen Lizada – dalawampu’t tatlo lang mula sa 74 na mga bus at truck na ipinakalat nila ang nagamit.


Nasa 1,140 pasahero lang kasi ang naapektuhan ng transport strike kanina sa Metro Manila na malayo sa inaasahang 10 milyong commuters.

Facebook Comments