KLASE AT TRABAHO SA CALASIAO, SUSPENDIDO NGAYONG ARAW

Suspendido ngayong araw ang trabaho at klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa Calasiao.
Sa Executive Order No. 42, ay direktiba ay bahagi ng taunang selebrasyon ng pista ng Calasiao, na ginagawa tuwing buwan ng Mayo.
Isa Umano ito sa mga tradisyong panlipunan at pangkultura ng bayan na nagbibigay-diin sa pasasalamat sa Señor Divino Tesoro.
Kabilang sa mga aktibidad ngayong araw ay ang civic parade, medical mission, at legal aid na iniaalay bilang bahagi ng selebrasyon.
Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapang may kinalaman sa medikal, kaligtasan at iba pang serbisyo sa ilalim ng skeletal world force. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments