Suspendido ang kalse sa mga paaralan sa mga bayan ng Pagalungan , Datu Montawal, Rajah Buayan at General Salipada K. Pendatun Maguindanao matapos maapektuhan ng nagpapatuloy na tension bunsod sa isinasagawang operasyon ng military kontra sa mga taga sunod ng mga teroristang grupong DAESH-IS at Bangsamoro Islamic Freedom Figthers.
Sinasabing nasa 1,438 na mga learners at 671 na mga guro mula sa elementarya, habang 83 na mga istudyante at anim na guro mula sa sekondarya ang apektado dahil sa tension ayon pa kay Bai Mariam Kawit, Maguindano 1 Schools Division Superintendent sa TAPATAN sa ARMM.
Sa kabila nito, nagpapasalamat na lamang si SDS Kawit at walang may mga nasaktan na mga mag-aaral at mga guro. Agad namang ipinag-utos ni DepED Armm Secreatry Atty. Rasol Mitmug Jr. sa kanyang mga School Heads ang kaligtasan ng mga istudyante at mga guro.
Kasalukuyang, patuloy ang pagtaas na bilang ng mga lumilikas di lamang mula sa mga nabanggit na bayan ng Maguindanao maging sa mga kalapit lalawigan nitong North Cotabato at Sultan Kudarat.
Matatandaang nagsagawa ng airstrike at nagpaulan pa ng mga bala ng kanyon ang military matapos mamataan ang tropa ng mga terorista sa Pawas Area o Liguasan Area at di umanoy pinangungunahan ni Abu Toraife.
Kinumpirma naman ni 6th ID Commander BGEN Cirilito Sobejano na kabilang sa 15 myembro ng teroristang nasawi ay ilang foreign nationals.