KLASE SA BUONG PANGASINAN, MAAGANG SINUSPENDE DAHIL SA WALANG HUMPAY NA PAG-UULAN

Maagang inanunsyo ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Pangasinan ngayong araw ng Martes, Hulyo 22, dahil sa walang patid na pag-ulan na dulot ng Habagat.

 

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang masamang panahon ay nagdulot na ng pagbaha sa ilang lugar, dahilan upang itaas ang alerto para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at buong komunidad.

 

Ang desisyong ito ay bahagi umano ng maagang pag-iingat habang patuloy na binabantayan ang lagay ng panahon at ang posibleng paglala ng sitwasyon.

 

Pinapayuhan ang lahat na manatili sa mga ligtas na lugar at sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa PAGASA, LGUs, at iba pang kaugnay na ahensya.

 

Ipinapaalala rin sa publiko na iwasan ang pagtawid sa baha at agad na iulat ang anumang insidente sa mga awtoridad. | ifmnewsdagupan

Facebook Comments