Sinuspende ang klase sa lahat ng antas sa Cotabato City bunsod na rin sa maagang masamang panahong naranasan.
Ang advisory ay nagmumula mismo kay City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani Sayadi. Nakamonitor na rin ngayon ang CDRRMO sa lahat ng mga barangay matapos na bumuhos ang napakalakas na ulan.
Maliban sa Cotabato City nagsuspende din ng klase ang mga bayan ng Pigcawayan, Libungan, Midsayap sa North Cotabato at mga bayan ng Sultan Mastura at Sultan Kudarat sa Maguindanao.
Kaugnay nito umaapela naman ang ilang mga magulang at mga mag aaral maging ang mga guro sa ilang LGU lalo na sa lalawigan ng Maguindanao na magtalaga ng tagapagsalita o contact person na magpapaabot ng advisory sakaling masama ang panahon.
Itoy upang maiwasan ang mga karamdaman na maaring makuha mula sa ulan at maiwasan ang mga sakuna lalo na ang mga eskwelahan na nasa liblib na mga bahagi ng lalawigan na kinakailangang pang tumawid ng mga sapa at kailugan bago marating ito.