Kanselado ang klase ngayong araw ng Sabado, July 19, sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa Dagupan City.
Kasunod pa rin ito patuloy na nararanasang pag-uulan sa lungsod dahil sa Bagyong Crising.
Inabisuhan ang mga Dagupeños lalong lalo na ang mga naninirahan sa coastal areas na maging alerto at maging handa sa posibleng pagbaha dulot ng bagyo.
Samantala, nauna nang nagkaroon ng pulong ang CDRRMC para disaster response sakaling may mga mangailangan ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









