Klase sa High School at Elementary sa Barangay San Carlos, sa San Luis, Pampanga – sinuspinde na

San Luis, Pampanga – Nagsuspinde na ng klase sa High School at Elementary sa Barangay San Carlos, sa San Luis, Pampanga.

Ayon Kay Principal Noel Mangune, ang High school at Elementary ay napapalibutan ng mga poultry farm sa loob ng one kilometer radius quarantine.
Mismong mga magulang aniya ang humiling na suspindihin muna ang klase.
Layunin ng suspension na hindi makalanghap ang mga estudyante ng mga kemikal habang isinasagawa ang pagkatay at paglilibing sa mga manok na kontaminado ng Avian flu.
Maaring habulin na lamang ang mga nawalang araw sa pag-aaral ng mga estudyante sa mga make-up classes sa September.

Facebook Comments