CAUAYAN CITY – Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw, ika-11 ng Nobyembre, sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isabela.
Sa abiso na inilabas ng mga Lokal Government Units at mga ilang paaralan, ang pag-suspinde ng pasok ay dahil nakataas na sa Signal No. 2 ang buong lalawigan at upang masiguro rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ito ay alinsunod sa DepEd Order no. 37 DepEd Order No. 37, series of 2022, kung saan awtomatikong suspendido ang klase kapag nakataas sa Tropical Wind Signal ang isang lugar.
Ilan sa mga pagsuspinde ng klase ay ang bayan ng San Manuel, Echague, San Mateo, Burgos, Lungsod ng Santiago, ISU-Ilagan Campus at ISU-Jones Campus.
Facebook Comments