Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Ilocos Sur ngayong araw.
Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 8, Series of 2025 ng Pamahalaang Panlalawigan dahil sa Southwest Monsoon na pinalalakas pa ni Typhoon Danas.
Ito rin ay bilang suporta sa nagpapatuloy na disaster response, rehabilitation at recovery operations sa probinsya dahil sa nagdaang bagyo.
Saklaw ng naturang kautusan ang suspensyon din sa mga pampublikong opisina.
Pinaalalahanan ang mga residente na manatiling maging alerto at handa sa posibleng epekto ng anumang lagay ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









