KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA LINGAYEN, SUSPENDIDO SA JANUARY 5

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan nitong sa Enero 5, ayon sa inilabas na kautusan ng pamahalaang bayan.

Sa ilalim nito, ipatutupad sa nasabing petsa ang pagbibigay daan sa selebrasyon ng Lingayen Capital Festival at Cultural Presentation 2026 Educators’ Night.

Batay sa ordinansa, bilang parte ng pista, gaganapin ng Enero 4 ang Educator’s Night na inaasahang aabot hanggang gabi, kaya’t isinagawa ang suspensyon ng klase at pasok sa mga paaralan kinabukasan.

Kaugnay dito, ang aktibidad ay lalahukan ng mga guro at kawani mula sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments