KLASE SA LALAWIGAN NG ILOCOS SUR, SUSPENDIDO

Sinuspinde ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsya ngayong araw.

Saklaw din ng nasabing kautusan ang pagkansela ng pasok sa mga public offices.

Layon nitong protektahan ang mga mag-aaral sa probinsya, at alinsunod na rin sa paghahanda nang maibsan ang bantang dulot ni Bagyong Crising.

Samantala, hinikayat ang publiko na umantabay sa mga weather updates at advisories mula sa kinauukulan ukol sa magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments