KLASE SA LINGAYEN, SUSPENDIDO NGAYONG ARAW

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, mula Enero 2 hanggang Enero 3, 2025.

Kasama rin sa suspensyon ang trabaho sa lahat ng educational institutions sa bayan, alinsunod sa Executive Order No. 1, series of 2025 na nilagdaan ni Municipal Mayor Leopoldo Bataoil.

Ang nasabing hakbang ay kaugnay ng pagdiriwang ng Lingayen Capital Town Cultural Presentation 2025, partikular ang Educators’ Night, na layong kilalanin ang kontribusyon ng mga guro sa bayan.

Inaasahan na ang suspensyon ay magbibigay ng sapat na panahon sa mga guro upang makapaghanda para sa nasabing okasyon at aktibong makilahok sa mga aktibidad ng kapistahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments