
Balik normal na na ang klase sa Malabon city University matapos na bulabugin ito ng “security threat message” kaninang lagpas 10:30 ng umaga.
Una nang pinalabas ang mga estudyante, guro at kawani, bilang pag-iingat.
Batay sa unibersidad, walang kumpirmadong banta, ngunit pinapayuhan ang mga estudyante, guro at iba pang miyembro ng university community na manatiling kalmado at mapagmatyag.
Tiniyak naman ng City of Malabon University na kanilang sineseryoso ang anumang uri ng banta, at kinokondena ang anumang karahasan.
Apela rin ng unibersidad, huwag magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon, at sa halip ay bumase lamang sa mga opisyal na anunsyo ng unibersidad at mga otoridad.
Facebook Comments










