KLASE SA PANGASINAN, AGAD SINUSPINDE KAHAPON DAHIL SA LINDOL

Agad sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang pang-hapong klase sa mga paaralan at pasok sa mga government offices dahil sa Magnitude 4.8 lindol kahapon.

Dama sa lalawigan ang abot Intensity III sa ilang panig dahilan ng agarang aksyon para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at residente.

Kabilang sa mga agad nagsuspinde sa lahat ng antas ang mga bayan ng Mangaldan, Mapandan, Basista, Sto.Tomas, Rosales, Bayambang, habang inirerekomenda naman ang modular distance learning sa Asingan sa lahat ng antas.

Ilang unibersidad din sa lalawigan ang pinalabas agad ang mga estudyante sa open field dahil sa pagyanig.

Sa kabila ng nagpapatuloy na hakbang upang malaman ang posibleng pinsala ng lindol, nauna nang iniulat ng Regional DisasteR Risk Reduction and Management Council 1 na walang naitalang malaking epekto ang lindol sa rehiyon.

Patuloy naman ang abiso ng awtoridad sa pagiging alerto ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments