Klase sa pribado at pampublikong eskwelahan, kanselado na sa ilang lugar dahil sa bagyong Gorio

Manila, Philippines – Sinuspinde ang klase ngayong araw sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Gorio.

Kaninang tanghali, wala nang pasok sa lahat ng antas, public at private sa Quezon city, lungsod ng Maynila, Cavite at Bataan.

Habang pre-school hanggang senior highschool naman ang suspindido sa Rodriguez at sa San Mateo sa Rizal.


Una nang nagdeklara ng walang pasok sa lahat ng antas, public at private kaninang umaga ang Malabon City at Caloocan City.

Habang pre-school hanggang senior highschool naman ang suspindido sa Navotas City at Valenzuela City.

Kanselado rin ang kalse sa mga sumusunod na unibersidad:
– Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
– Valenzuela Polytechnic College
– Our Lady of Fatima University Valenzuela Campus
– UE Caloocan Campus
– Manila Central University
– Don Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Porac, Mexico at Sto. Tomas Campuses sa Pampanga.

Facebook Comments