Klase, suspendido bukas dahil sa bagyong Chedeng

Suspendido na ang lahat ng klase sa Davao City bukas, Marso 19, 2019.

Ito ang inanunsyo ng Davao City Government Of Davao kaugnay sa tropical depression Chedeng.

Sa inilabas na Proclamation no. 01, deklardong walang pasok ang lahat ng antas sa public at private schools sa Davao para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa posibleng pagbaha na mararanasan sa lungsod.


Sa inilabas na weather forecast, posibleng makakaranas ng pag ulan ang lungsod dala ng nasabing bagyo.

Ngayong araw, sinuspinde din ang klase sa iilang parte sa Davao region matapos isinailalim sa tropical signal warning no. 1 ang Davao Oriental, Compostela Valley, Davao Occidental, Davao Del Norte, at Samal Island.

Facebook Comments