Klay Thompson, kumpiyansang makakapaglaro sa game 3 ng NBA Finals

Kumpiyansa si Golden State Warrior three pointer Klay Thompson na makakapaglaro pa rin siya sa game 3 ng NBA Finals matapos magtamo ng left hamstring injury sa hita.

Nakuha ni Thompson ang kanyang injury sa 4th kwarter ng game 2 sa NBA Finals.

Namali kasi ng lapag si Thompson matapos magpakawala ng 3 points sa nalalabing final count ng laro.


Isasailalim si Thompson sa MRI sa Oakland para malaman kung gaano kalala ang natamong injured.

Matatandaang nanalo ang Warriors kontra Raptors kahapon sa iskor na 109-104.

Samantala, sa Huwebes, ay abangan ang muling paghaharap ng dalawang koponan sa game 3 ng NBA Finals.

Facebook Comments