Klea Pineda, itinanggi na si Janella Salvador ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Katrice Kierulf

Itinanggi ng aktres na si Klea Pineda na si Janella Salvador ang dahilan ng hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Katrice Kierulf.

Sa isang panayam, sinabi ni Klea na aware siya na may ganoong isyu sa pagitan nila ni Janella kasabay ng pagtiyak na walang third party sa hiwalayan nila ni Katrice.

Dagdag pa ng aktres na naging malapit sila ni Janella dahil sa ginawa nilang pelikula noong Mayo 2025 na “Open Endings.”

Bukod kay Janella, naging malapit din daw siya sa dalawa pa nilang kasamahan sa pelikula na sina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong.

Facebook Comments