KLINARO | DTI, nilinaw na hindi kasama ang Noche Buena items sa inilabas na bagong SRP

Manila, Philippines – Hindi kasama ang Noche Buena item sa Suggested Retail Price (SRP) na inilabas ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castello, may sariling SRP ang mga Noche Buena products taon-taon na karaniwan nilang inilalabas tuwing buwan ng Oktubre.

Kasabay nito, tiniyak ni Castello na babantayan nila ang presyo ng Noche Buena products.


Facebook Comments