KLINARO | Finance managers ng NFA, nilinaw na walang nangyaring diversion ng pondo

Manila, Philippines – Nagtataka ang finance managers ng National Food Authority (NFA) kung saan hinugot ng Samahang Industriya ng Agrikultura ang sinasabing diversion ng P5.1 billion na laan sa procurement ng bigas noong 2017 na napunta sa pambayad ng maturing loans ng ahensya.

Kung susuriin ang COA report, walang direktang binabanggit tungkol sa diversion ng NFA funds.

Sa katunayan sa exit conference ng noong June, pinuri ng COA ang NFA dahil sa masinop na paggamit ng pondo.


Hindi naman kumpletong P5.1 B ang napasakamay ng NFA dahil otomatikong kinaltas dito ang 10% o katumbas ng P510 million bilang bayad sa tinatawag na guarantee fee at ang P2.5 Billion para sa annual contribution ng ahensya sa 10-year treasury bonds na inisyu noong February 2008.

Ang total net subsidy na napasakamay ng NFA noong March 1, 2017 ay umaabot lamang ng P2.09 Billion.
Pero sa kabila nito, naitaas pa rin ng ahensya ang total cost ng importation nito noong 2017 na umabot ng P5.2 billion pesos.

Lahat ng ito ay detalyado namang naiulat sa DBM.

Facebook Comments