KLINARO | Medical marijuana, legal na sa ating bansa – Sen. Sotto

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na hindi na kailangang gawing ligal sa ating bansa ang medical marijuana dahil matagal na itong ligal.

Ayon kay Sotto, mayroong probisyon sa ini-akda niyang republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 na nagpapahintulot sa medical marijuana.

Paliwanag ni Sotto, mayroon ding compassionate special permit circular ang Food and Drugs Authority (FDA) na nagpapahintulot nito basta’t ang doktor mismo ang hihiling.


Ipinunto pa ni Sotto na binabalanse ng RA 9165 at ng FDA circular ang pagtugon sa pangangailangang medikal ninuman.

Naniniwala si Sotto na alam na ito ng may mga sakit dahil base sa report ng FDA noong October 2017, ay umaabot na 585 ang nagrequest para sa nabanggit na compassionate special permit at lahat naman ay napagbigyan.

Ang paliwanag ay ginawa ni Sotto makaraang hingan sya ng reaksyon ukol sa pagpabor ni Miss Universe Catriona Gray sa paggamit ng medical marijuana.

Facebook Comments