Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nag-isyu ng anumang appointment o designation ng militar na mag-take over sa mga posisyon ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC).
Ang tanging gusto ng Pangulo, magkaroon lamang ng military presence sa customs para makatulong na maibalik ang law and order sa ahensya.
Layunin din nitong matigil ang korapsyon at smuggling activities.
Dagdag pa ng Pangulo ang floating status ang direkta lamang ipinatutupad sa mga chiefs of offices at section chiefs ng ahensya.
Hangga’t hindi nakikita ng pangulong naaayos ang customs, mananatili ang presensya ng AFP sa ahensya.
Facebook Comments