KMP, nanawagan sa pamahalaan na magpatayo ng mga karagdagang cold storage facility ng sibuyas

Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa pamahalaan na magtayo ng mga karagdagang cold storage facility para sa mga aning sibuyas.

Sa ngayon, 68 lamang ang cold storage facility ng sibuyas sa bansa na karamihan pa ay pagmamay-ari ng pribadong sektor.

Ilan dito ay matatagpuan sa Metro Manila, Cavite at Cebu na aniya’y hindi naman mga major onion producer.


Ayon kay KMP Chairman Emeritus Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano, dapat na magtayo ang gobyerno ng mga bodega na maaari lamang gamitin ng mga lokal na magsasaka sa halip na pasukan ng mga imported na sibuyas.

Malaking tulong aniya ito sa mga magsasaka upang mai-imbak nang mas matagal ang kanilang mga aning sibuyas at hindi sila mapilitang ibenta ito sa napakababa o paluging halaga.

Facebook Comments