KMU at PISTON, magsasanib pwersa para sa SONAgkaisa protest

Kasado na ang physical protest na gagawin ngayong araw ng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) at ng transport association na PISTON kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa facebook post, magtitipon ang KMU sa CP Garcia Street mamayang alas-8:30 ng umaga at magmamartsa patungong Jacinto Street sa Diliman, Quezon City.

Gagawin ng KMU ang kanilang programa o tinatawag na “SONAgkaisa,” isang anti-Duterte protest sa Diliman Campus ng University of the Philippines mamayang alas-10:00 ng umaga.


Pagkatapos nito ay dederetso sila sa Esguerra Gate ng ABS-CBN mamayang alas-6:00 ng gabi para iprotesta ang pagbasura sa franchise renewal ng network.

Iginiit ni KMU Chairperson Elmer Labog, walang kinalaman sa COVID-19 ang pagsasagawa ng protesta.

Magtitipon naman ang PISTON sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mamayang alas-7:00 ng umaga.

Pagkatapos ay magsasanib pwersa sila sa grupong Bayan sa Philcoa mamayang alas-8:00 ng umaga.

Tulad ng KMU, ang PISTON ay dadalo sa SONAgkaisa program mamayang alas-10:00 ng umaga saka dederetso sa ABS-CBN sa gabi.

Facebook Comments