KMU, dismayado sa pahayag ng DOLE na malabo ang wage increase ngayong 2024

Dismayado ang militant labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa pahiwatig ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malabong mangyari na magkaroon ng wage adjustment ngayong 2024.

Ayon sa KMU, ang napakaagang anunsyo ng DOLE ay mistulang pag-amin ng pamahalaan na wala itong kakayahang iangat ang kalagayan ng mga manggagawa sa gitna ng tumitinding krisis pang-ekonomiya.

Dagdag ng grupo, ang P30-50 na idinagdag sa sahod noong nakaraang taon ay sapat lang para ipambili ng isang kilong bigas at pamasahe sa short ride sa modern minibus.


Giit ng grupo, ang minimum na adjustment sa sahod ay dapat nakabatay sa nagbabagong panahon para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya.

Hinamon ng grupo ang mga regional wage boards na ipatupad ang probisyon ng Wage Rationalization Act, kung saan maaaring magpalabas ang mga regional wage boards ng wage increase orders motu proprio sa mga wage petition ng mga manggagawa bawat taon.

.

Facebook Comments