KMU, kasado na sa kanilang rally sa Labor Day

Nakahanda na ang gagamiting effigy ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) para sa May 1 o Labor Day.

Ayon kay Lito Estarez, vice chairman ng KMU, ang effigy ay larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakasakay sa isang train at tatawagin nila itong ‘Dutertemonyo.’

Aniya, sumisimbolo ang train sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o Train Law na nagpapahirap sa mga manggagawang Pilipino.


Sabi pa ni Estarez, mayroong ring dalawang pakpak ang effigy na sumisimbolo naman sa matinding pagkapit ng Pangulo sa China at Amerika.

Bukod rito, mayroon rin aniya silang ginagawang mural painting na may temang workers avenge chief labor na kanilang gagamitin sa Mendiola.

Facebook Comments