KMU, pumalag sa pagprisinta ng NCRPO sa ilang taga-labor sector na miyembro umano ng NPA

252

Pinasinungalingan ng militanteng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga ipinrisinta ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na indibidwal na galing sa labor sector.

Sinabi ni Elmer Labog, taga-Pangulo ng KMU na isa umano itong kasinungalingan.


Aniya, malayo umanong maging NPA ang mga manggagawa na walong oras sa loob ng isang linggo ay ginugugol ang panahon sa produksyon.

Ani Labog, ang nangyayaring red-tagging sa labor sector ay naglalagay umano sa peligro ang sa buhay ng manggagawa.

Facebook Comments