Knicker Bocker : By Argie Ramos

95

FOOD PORN: Pagkaing masarap at pampalamig ba ang hanap mo bestfriend? Isali mo na sa listahan mo ang isa sa ipinagmamalaki ng Zamboanga city!

Ngayong summer, kasabay ng pag-init ng panahon ay nagsisilabasan na rin ang mga pagkaing pampalamig at pampa-satisfied. Dito sa Zamboanga city bestfriend, isa sa ipinagmamalaking pagkain ay ang Knicker Bocker. Pero alam mo bang hindi lang ito patok tuwing summer? Pinagpipilahan ito anumang araw ng buong taon. Ang knicker bocker ay mala halu-halong style ngunit ito ay kakaiba at unique sa tingin at panglasa! Sa unang tingin, aakalin mong isang simpleng halu-halo lang ito pero kung ito’y iyong tikman, masasabi mong kakaiba ito at for sure, babalik-balikan mo na ito. Katulad sa isang regular na halu-halo, meron din itong gelatin, at sweet milk. At ang unique na nagpapasarap dito ay ang iba’t-ibang klase ng prutas kagaya ng saging, mangga at watermelon at may special scoops ng ice cream bilang toppings. Maraming pwedeng ipartner sa knicker bocker kagaya ng mga streetfood na tempura, isaw, meat balls at iba pa. Pwede rin itong gawing panghimagas bago o pagkatapos kumain. Kaya kung ikaw bestfriend ay magagawi dito sa Zamboanga city, it’s a must na dapat matikman mo ito.  O kung ikaw bestfriend na may kaibigan o kamag-anak na gustong pumunta at magbakasyon dito sa lungsod, huwag kalimutang ipa-try sa iyong mga bisita.
​ (photos: Argie Ramos)


Facebook Comments