Knock out bunker at room clearing operations, pambungad na pagsasanay na isinagawa ng Phil & US troops sa Balikatan Exercise 2023

Isinagawa ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Indo-Pacific Command ang kanilang pambungad na ehersisyo bilang bahagi ng Balikatan Exercise 2023 sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Ang sabayang pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na knock-out bunker at room clearing operations ay isinagawa kahapon, kasabay ng pormal na pagbubukas ng 38th Balikatan exercise.

Ayon kay Balikatan Philippine Exercise Director Major General Marvin Licudine mayruong 4 na major events ang drill kabilang dito ang Command Post Exercise, Cyber Defense Exercise, Field Training Exercise, at Humanitarian and Civic Assistance.


Ang iba’t ibang aktibidad ay nakatuon sa maritime security, amphibious operations, live fire exercises, urban operations, aviation operations, counter terrorism, at humanitarian assistance and disaster response.

Highlight aniya ng ehersisyo ang combined joint littoral live fire exercise sa Zambales sa Abril 26, kung saan gagamit ang mga tropa ng live-rounds para tamaan ang isang target na barko sa karagatan.

Facebook Comments