Koalisyon kontra destabilisasyon kay Pangulong Duterte, inilunsad ng Tapang at Malasakit Alliance

Manila, Philippines – Inilunsad ni Davao City Mayor Sara Duterte ang koalisyon na lalaban sa umano’y destabilization efforts laban sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang koalisyon na tinawag na “Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines” partners for change ay magsisilbing umbrella organization ng lahat ng grupo na sumuporta kay Pangulong Duterte sa panahon ng Presidential campaign nuong May 2016.

Sinabi ng alkalde ang alyansa ay para sa gobyerno, para kay Pangulong Duterte at para sa bayan


Nanawagan din itong magkaisa at tigilan na ang pagsisiraan lalong lalo na sa ibang bansa kung saan nayuyurakan lamang ang imahe ng bansa

Umaapela din si Inday Sara na sumali sa grupo bilang pangako para sa isang mas mahusay na Pilipinas at pangako na maging mas mabuting mamamayan.

Facebook Comments