Koalisyon ng mga abogado, inilunsad laban sa EJK

Manila, Philippines – Sa harap ng SWS survey na nagpapakita ng pananaw ng publiko na mga maralita ang napapatay sa war on drugs, mayroon na sila ngayong tagapagtanggol.
Inilunsad kanina ang koalisyon ng mga abogado at law students na tinawag na Manlaban o Mga Manananggol laban sa EJK.

Layunin ng Manlaban na hiwalay na kumilos laban sa anumang anyo ng prosekusyon sa mga maralita sa gitna ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Kabilang sa mga convenor ng Manlaban ay sina dating Bayan muna representative Neri Colminares, dating Senador Rene Saguisag, Dean Antonio Lavina, at Atty. Edre Olalia.


Kabilang sa kongkretong hakbang ng grupo ay ang pagkakaloob ng legal assistance at paglalatag ng legal na istratehiya sa mga kaso ng EJK.

Magiging agresibo rin ang alyansa sa paglulunsad ng advocacy campaign.

Ayon kay Atty. Edre Olalia, asahan ang regular na pag iisyu nila ng mas matatapang na statement laban sa mga polisiya na tatapak sa karapatang pantao tulad ng door to door drug test at ang kontrobersyal na drop box.

Facebook Comments