Kobe Paras, nagpa-alam na sa Creighton Bluejays matapos ang isang season

Manila,Philippines – Inanunsyo ng Filipino Basketball Superstar na si Kobe Paras sakanyang twitter account na iiwan na niya ang Creighton Bluejays matapos angisang season ng paglalaro dito.
Ayon sa Omaha World-Herald, nakakuha na ng release mula sa scholarship si Kobe mulasa Creighton University ngunit hindi pa inaanunsyo kung saan ito lilipat.
Labing lima mula sa tatlumpu’t limang laro lamang ng Creighton ang nakapaglarosi Kobe kung saan nag-average siya ng 1.3 points at 1.0 rebounds sa loob lamangng 4.7 minutes.
Samantala sa naturang tweet, nagpasalamat din si Kobe sa Creighton fans atcoaches dahil sa mainit na pagtanggap ng mga nito sa kanya. 
  
 
 

Facebook Comments