Tutulungan ni Fighting Maroon Kobe Paras ang pitong inaresto matapos magprotesta sa harap ng University of the Philippines-Cebu para kondenahin ang Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Kobe, saludo siya sa ginawa ng mga inaresto sa kabila ng paglabag sa General Community Quarantine (GCQ) guidelines.
Dahil dito, nagsagawa ng fundraising si Kobe kung saan humihingi na siya ng tulong sa kanyang mga kakilala para makalikom at matulungang mapalaya ang mga inaresto.
Ang mga inaresto ay kabilang sa mga miyembro ng Ama Sugbo-Kilusang Mayo Uno na naniniwalang hindi solusyon ang Martial Law sa kahit na anong krisis sa bansa.
Facebook Comments