Hindi na maglalaro para sa UP Fighting Maroons si Filipino cager Kobe Paras.
Ito ay makaraang magdesisyon si Paras na pumirma ng kontrata sa East West Private (EWP), isang sports and entertainment management company na nakabase sa Amerika at humahawak rin kay teen prodigy Kai Sotto.
Sa rules ng UAAP, awtomatikong malulusaw ang eligibility ni Paras kapag naglaro ito sa isang commercial league sa Amerika.
Bagama’t malaking kawalan sa team, iginagalang ni Fighting Maroons head coach Bo Perasol ang desisyon ni Paras lalo’t wala namang katiyakan kung kailan papayagan ng gobyerno ang muling pagbubukas ng college basketball sa Pilipinas.
Pero sakaling magdesisyon si Paras na bumalik sa UP ay handa naman daw niya itong tanggapin muli.
Facebook Comments