KOJC Founder Pastor Apollo Quiboloy at apat pang akusado, naghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig City RTC

Binasahan na ng sakdal si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy at apat pang akusado sa kasong qualified human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court (RTC).

Mula Philippine National Police (PNP) Custodial Center, dinala pasado alas syete ng umaga si Quiboloy at mga co-accused nito sa Pasig RTC Branch 159.

Sa ambush interview ng media sa legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon, sinabi nito na naghain ng not guilty plea si Quiboloy at iba pang akusado matapos silang basahan ng sakdal.


Hindi na rin nagbigay ng iba pang pahayag si Torreon lalo na’t nasa korte na ang kaso.

Walang piyansa ang kasong qualified human trafficking habang itinakda ang pre-trial sa Oktubre.

Matapos ang arraignment, agad na ibinalik sa PNP Custodial Center ang pastor.

Facebook Comments