KOKONSULTAHIN | Pagtatalaga ng bagong Punong Mahistrado ng SC, dedepende sa irerekomenda ng mga nasa hudikatura – ayon sa Pangulo

Manila, Philippines – Kokonsultahin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Integrated bar of the Philippines o IBP at mga Justices ng Korte bago siya magtalaga ng bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay wala pang short list na nabubuo ang Judicial and Bar Council o JBC na siyang pagpipiliian ni Pangulong Duterte para maging Chief Justice.

Ayon sa Pangulo, aalamin niya sa mga Justices at sa IBP kung sino ang gusto nilang mamuno sa buong hudikatura o ang tatayong punong mahistrado ng korte suprema kapalit ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Nabatid na mayroong 90 araw si Pangulong Duterte para magtalaga ng Punong Mahistrado at automatiko namang nominado ang mga Senior Associate Justice ng Korte Suprema pero una nang tinanggihan ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang posisyon dahil ayaw aniya niyang makinabang sa isang bagay na hindi naman niya kinatigan.

Facebook Comments