Manila, Philippines – Kokontrahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-renew ng franchise ng ABS-CBN.
Nabatid na mapapaso na ang prangkisa ng broadcast network sa taong 2020 habang nakabinbin pa rin sa Kongreso ang renewal nito.
Panggagalaiti ng Pangulo – dapat masagot ng ABS-CBN ang mga ginawa nitong mga pandaraya at panloloko.
Kung hindi, hindi niya pagbibigyan ang network na mabigyan ng extension.
Muli ring inungkat ng Pangulo ang pagbayad nito sa ABS-CBN para sa political advertisements noong 2016 election campaign pero hindi ito umere.
Dagdag pa ng Pangulo – maging si Senador Francis Escudero ay nabiktima ng modus ng broadcast network.
Una nang inalok ng ABS-CBN na ibalik kay Pangulong Duterte ang kanyang bayad pero tinanggihan na niya ito dahil ginawa ito pagkatapos ng eleksyon.