Pinuri ng Department of Justice (DOJ) ang ginawang pagsagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga umano’y biktima ng human trafficking habang isinisilbi ang arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City nitong weekend.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hinihikayat din niya ang mga biktima, kanilang pamilya at maging ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na lumapit sa pamahalaan kasabay ng pagsiguro ng kanilang kaligtasan.
Sa ngayon, nasa ilalim na ng proteksiyon ng mga pulis ang mga nasagip na biktima matapos isailalim sa evaluation at assessment ng DSWD Region 11.
Kaugnay nito, nanawagan si Remulla ng mas pinaigting na kolaborasyon sa Inter-Agency Council Against Trafficking para masigurong mananagot ang mga may sala at mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng human trafficking.