Pinatatag ng lokal na pamahalaan ng Alcala at ng Philippine Army ang kanilang koordinasyon sa larangan ng disaster risk reduction at management sa ilalim ng isang partnership agreement.
Sa isang pagpupulong tinalakay ang pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang ahensya upang pagbutihin ang kaalaman at kakayahan ng mga personnel patungkol sa paghahanda sa mga sakuna.
Kasama sa talakayan ang pagpapalakas ng mga programa tulad ng mga community drills, mabilisang rescue operations, at disaster preparedness trainings para sa mga barangay.
Tinalakay rin ang pamamahagi ng mga kagamitan sa emergency response at sistema ng komunikasyon sa oras ng sakuna.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng kasunduang ito ay mapalalakas ang kahandaan ng bayan laban sa mga sakuna at panganib, pati na ang mas maayos na pagtugon sa mga emergency at kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










