Kolaborasyon sa aspeto ng depensa at seguridad ng Pilipinas at India, palalakasin pa

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Narendra Modi na pataasin pa ang lebel ng kolaborasyon ng Pilipinas at India sa larangan ng depensa at seguridad.

Ayon kay Pangulong Marcos, sang-ayon sila ng Punong Ministro na dapat samahan ng mas pinaigting na diyalogo sa pagitan ng mga institusyong pangdepensa ng India at Pilipinas.

Dagdag pa ng Pangulo, napagkasunduan nilang magkaruon ng mekanismo para sa pagbabahagi ng impormasyon at palitan ng pagsasanay sa pagitan ng sandatahang lakas ng dalawang bansa.

Palalalimin din ng Pilipinas at India ang ugnayan at kakayahang magka-operate ng Hukbong Dagat at Coast Guard sa pamamagitan ng mga pagbisita sa daungan, cooperative activities at pagpapalakas ng kakayahan sa larangang pandagat.

Facebook Comments