Bumaba ng 26.3 percent ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) simula January hanggang mid-April ngayon taon.
Bunsod ito ng nararanasang krisis ng bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa Department of Finance, ang P641.62 billion na pinagsamang koleksyon ng BIR at BOC ay 40% na mas mababa sa P1.073 trillion na target ng gobyerno para sa nasabing panahon.
Mula January 1 hanggang April 17; nasa P480.64 billion lang ang nakolekta ng BIR.
Habang mula January 1 hanggang April 15, P160.98 billion lang ang naging kolekasyon ng BOC.
Samantala, dahil sa pinalawig na Enhanced Community Quarantine (ECQ), inilipat ng BIR ang filing at pagbabayad ng income tax returns sa may 30 habang extended hanggang June 15 ang pagsu-sumite ng attachments sa electronically filed ITRS.
Sa kabila ng pagbaba sa koleksyon ng BIR at BOC, tiniyak ni Finance Secretary Carlos Domiguez na nananatiling “financially able” ang bansa na matugunan ang COVID-19 crisis.