Koleksyon ng NHA, bumagsak matapos ang pag-okupa ng Kadamay sa Pandi

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng National Housing Authority o NHA na bumagsak ang kanilang koleksyon matapos ang nangyaring occupy Pandi, Bulacan na ginawa ng KADAMAY.

Ayon sa kinatawan ng NHA na si Engr. Romuel Alimbuyao, bumagsak ng mahigit 50 porsyento ang koleksyon sa housing projects.

Aminado sina Committee on Housing and Urban Development Chairmen Sen. JV Ejercito at Cong. Albee Benitez na ito na ang epekto ng ginawa ng KADAMAY.


Katwiran ng mga dati nang may housing loan ay bakit sila magbabayad samantalang libreng nakuha ng kadamay ang kanilang housing units.

Samantala, napuna ni Benitez sa ginawang ocular inspection ang mismatch sa mga housing units.

Pareho lamang ang model na unit na binibigay sa mga AFP at PNP personnel at sa empleyado ng gobyerno sa model ng unit para sa informal settlers kaya tiyak na hindi talaga magugustuhan ng isang empleyado ang unit na ipinamamahagi ng NHA.

Sa pitong libong housing units 5,278 na units ang okupado ng KADAMAY.
Kapansin-pansin ang mga substandard na units, kawalan ng kuryente at tubig, malayo sa pinagtatrabahuan, eskwelahan, simbahan at mahirap ang access sa transportasyon.
DZXL558

Facebook Comments