Koleksyon ng Pag-IBIG Fund, tumaas sa unang anim na buwan ng 2021

Tumaas ng naitalang kolekasyon ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa unang anim na buwan ng 2021.

Ayon kay Pag-IBIG Fund spokesperson Kalin Franco-Garcia, tumaas sa 13 milyon ang mga aktibong miyembro sa ahensya mula sa 12 milyon noong katapusan ng 2020.

Indikasyon ito na nakaka-rekober na ang bansa dahil marami na ang nakakapag-hulog sa Pag-IBIG Fund.


Nabatid na mula Enero hanggang Hunyo 2021 ay umabot sa P13 billion ang kontribusyon sa voluntary savings program, na mas mataas ng 113 porsiyento kumpara sa koleksyon noong nakalipas na taon.

Nauna nang nabanggit ng Pag-IBIG na tumaas sa P20 bilyon ang nai-release na pera para sa kontribusyon sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments