Koleksyon ng sin tax, bumagsak ng halos 100% nitong Abril ayon sa DOF

Bumagsak ang koleksyon ng pamahalaan sa sin tax nitong buwan ng Abril.

Base sa datos ng Department of Finance (DOF), ang excise tax collection mula sa tobacco products at alcoholic bevarages nitong Abril ay nagkakahalaga lamang ng ₱200 million.

Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, bumaba ang demand sa sin products nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ), liquor ban, at suspension ng produksyon ng sigarilyo.


Bumagsak ito ng 99.1%, kumpara sa ₱18.1 billion sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Mula sa cigarette taxes, ang April collection ay bumagsak ng 98.9% sa halos 100 milyong piso kumpara sa ₱12.4 billion nitong 2019.

Ang koleksyon ng buwis mula sa alcohol ay bumaba ng 99.6% nitong Abril na nagkakahalaga ng ₱20 million mula sa ₱5.7 billion noong nakaraang taon.

Facebook Comments