Koleksyon ng toll fee sa CAVITEX C5 Link Sucat Interchange, suspendido muna ng isang buwan —PBBM

Photo: Radyoman Chzianelle Salazar

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na gawin munang libre ang pagdaan ng mga motorista sa bagong bukas na CAVITEX C5 Link Sucat Interchange.

Sa inagurasyon ng CAVITEX C5 Link Sucat Interchange ngayong umaga, inanunsyo ni Pangulong Marcos na 30 araw o isang buwan ang itatagal ng libreng toll.

Sakop aniya nito ang lahat ng uri ng sasakyan na babagtas ng Manila – Cavite toll expressway sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor at Kawit sa Cavite.


Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Toll Regulatory Board (TRB) para sa agarang pagpapatupad ng 30-day free toll sa bagong bukas na expressway simula simula mamayang alas-6:00 ng gabi.

Ayon pa sa pangulo, makababawas ang suspensyon ng koleksyon ng toll fee sa epekto ng tumataas na presyo ng gasolina sa mga motorista.

Malaki rin ang maitutulong ng bagong bukas na expressway para mapagaan ang traffic congestion sa Metro Manila at mababawasan ang oras ng biyahe papunta at mula sa Makati at Taguig mula sa Parañaque City, Las Piñas City at Cavite.

Facebook Comments