KOLEKSYON SA PAMILIHAN NG SAN QUINTIN, PANSAMANTALANG SINUSPINDE DAHIL SA KRISIS

Pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng San Quintin ang koleksyon sa mga pwesto at paupa sa pamilihan dahil sa epekto ng tumataas na presyo ng krudo na nakakaapekto sa araw-araw na gastusin.

Ayon sa tanggapan, apektado ang kabuhayan ng mga manlalako dahil sa krisis at naapektuhan ang pagpapanatili ng suplay ng mga produkto sa bayan dahil sa dagok ng mahal na transportasyon at operasyon.

Dahil dito, ipinag-utos ang pansamantalang suspensyon sa koleksyon sa mga nangungupahan sa pamilihang bayan, kabilang ang lahat ng ambulant vendors na may valid business permit, kabilang ang mga nagtitinda ng wet at dry goods, prutas, gulay at iba pang produkto.

Hindi naman saklaw ng suspensyon ang stall owners at delivery trucks, na patuloy na susunod sa itinakdang singil.

Epektibo ang kautusan simula Abril 6 at ipatutupad hanggang sa ito ay bawiin ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments