
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng sama-samang aksyon ng mga bansa laban sa climate change, lalo na para sa mga bansang tulad ng Pilipinas na madalas tamaan ng bagyo at iba pang sakuna.
Ayon sa Pangulo, ang pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad ng lahat, hindi lang ng gobyerno o negosyo.
Binigyang-diin niya na magkakaugnay ang usapin ng kuryente, tubig, pagkain, at kabuhayan, kaya kailangang sabay-sabay kumilos ang mga bansa.
Iginiit din ng Pangulo ang mas patas na tulong-pinansyal para sa mga mahihirap at umuunlad na bansa upang makapaghanda at makabangon mula sa epekto ng climate change.
Sa Pilipinas, patuloy aniyang pinapalakas ng pamahalaan ang paghahanda ng mga komunidad sa sakuna sa tulong ng mga lokal na proyekto at makabagong teknolohiya.
Muli ring nanawagan ang Pangulo ng pagbabago sa pandaigdigang sistema ng pondo upang mas makatulong sa mga bansang labis na naaapektuhan ng climate change.









