Kolorum na sasakyan, posibleng maglipana dahil sa “no vax, no ride” policy

Maaaring mapilitang sumakay sa mga kolorum na sasakyan ang mga pasaherong hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ito ang babala ng isang commuters’ group sa harap ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy.

Ayon kay Ric Rivera ng Pilipino Society and Development Advocates Commuter-Consumer (Pasada), nasa 12,000 kolorum na sasakyan ang bumabaybay sa kalsada na karamihan ay hindi naman nagpapatupad ng physical distancing.


Kaugnay nito, umapela ang grupo sa Department of Transportation na magbigay ng prangkisa sa mas maraming public utility vehicles at palakasin ang pagtugis sa mga colorum na sasakyan para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments