Komedyanteng si Babaji at Italyanong model, may namumuong pagtitinginan?

Courtesy Teens On Line-Gorgeoustar Talent Agency Facebook page

Kamakailan, pumukaw sa atensiyon ng mga netizen ang larawan ng komedyanteng si Babaji, kasama ang isang Italyanong lalaki dahil sa pagiging sweet sa isa’t-isa.

Unang ibinahagi ng talent agency na Teens On Line Gorgeoustar sa kanilang Facebook page ang litrato ng dalawa.

“Nagkita rin sila sa wakas.. abangan ang knilang pagmamahalan.. si afam and baba g,” nakasaad sa post ng naturang agency.


Mabilis silang nag-viral sa internet at umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa publiko.

Ayon sa ilang “hopeless romantic”, nabuhayan sila ng loob nang masilayan ang sweetness nina Babaji at dayuhang lalaki.

Pahayag naman ng ilang social media users, totoong may forever at hindi dapat mawalan ng pag-asa na darating pa si “the one”.

Ang lalaking nasa viral photo, kinilalang si Ciro Tarallo na kasalukuyang naninirahan sa Cebu City.

Pero ano nga ba ang real score sa pagitan nina Babaji at banyagang si Ciro?

“Friends lang kami,” tugon ni Babaji sa panayam ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo.

Kuwento ng komedyante, nagkakilala sila ni Ciro sa Maynila sa pamamagitan ng manager ng dayuhan na malapit na kaibigan ni Diego Llorica. Miyembro ng isang modelling agency sa bansa si Ciro, kaya naman nagkaroon siya ng koneksyon sa entertainment industry.

Nagpunta ng Metro Manila ang banyaga para mag-renew ng kaniyang passport.

Samantala, si Diego Llorica ay isa sa main cast ng gag show na “Bubble Gang” sa GMA Network at tumulong kay Babaji na makapasok sa mundo ng showbiz.

Upang maging memorable ang kanilang first meet-up, nag-desisyon ang dalawa na magkaroon ng picture together.

Pag-amin ni Ciro, itinuturing niyang totoong kaibigan si Babaji at masaya siyang nakilala ito.

Facebook Comments